Friday, May 28, 2010

As Promise



As promise, hehe. Nasabi ko kasi noon na ipapakita ko picture niya. Yan si Miss Praning. Si Ran. Taranie Dwane ang totoo niyang pangalan. Para siyang si Angel Locsin no?love na love ko yan!
I made this video as valentine gift ko noon sa kanya.

Promise. Nakakatakot din minsan ang salitang yan,nakakasugat lalo na kapag feelings ng tao ang involve dito. Kasi, we cannot hold the time nor control things. Sana in every promised made, there is equivalent understanding din.

I used to promise when I know I will mean it but sometimes its better to show or do whatever the thing you promised.




I HATE BEING COMPARED



Umagang umaga when I confronted ni mama.
Galing sa palengke. At may nachismis nanaman siya, hmmmm. Yung ka-batch ko kase daw my trabaho na. At ano na daw ginagawa ko? Na para daw ayaw kong magtrabaho. Na kesyo buti pa siya, (and bla bla blah.)Kung alam lang kasi niya kung gaano ko kagusto, alam ng mga kapatid ko yan. Sa kanila mas nagiging ako, nasasabi ko yung gusto kong sabihin. Natural, natameme nanaman ako. Hindi ako makapag salita. Siguro kung nasa korte ako, talo na ako.

Eto yung mga naiisip ko ng mga sandaling iyon,
"Ano ngayon gusto niyong gawin ko? Mag-apply din dun? Sundan ang taong kinokompera niyo sa akin?, Gusto ko ng mag mura.(Pero wala eh, walang lumalabas sa bunganga ko) Pakshit! ang sakit ikompera tapos susundan mo yung taong kinokompera sayo? Tang ina!"
Gusto ko ng lumayas nun.Pinagdadasal ko talaga na makawala na dito sa bahay nato.

Gusto ko ding magtrabaho pero malayo dito. Gusto kong mabuhay in my own. Gusto ko talagang mag-explore.Gusto ko talagang may mapatunayan sa sarili ko. (Paano ko ba yan sasabihin sa mama ko?) All these years, siya nagluluto at naglalaba para samin. Gusto kong mag-mature,really!
Walang mangyayari sa akin kung aasa at aasa sa lang kanila. Ayaw ko din na hanggang dito nalang ako, aasa sa papa ko. Aasa sa trabaho na binibigay niya. (Nagiging photographer at taga edit ako ng kasal, patay, debut, binyag at kung ano ano pa. )

Isa pa palang bagay kung bakit sumama loob ko. Sinabi ko kase na pupunta ako ng baguio,at maghahanap dun. "At sinong mga kasama mo? Puro babae nanaman ha?"
Shit ! Hindi nalang niya inisip na nagiging masaya ako dahil sa kanila. Kasama ko yung mga yun buong college years ko, sila bumuo ng pagkatao ko.Hindi sila masamang tao mama! Hindi sila pumapatay! putang ina! ~Yan yung mga gustong ilabas ng bunganga ko pero hindi ko magawa.

Ever since, ganyan na ang mama ko. Even in my elementary years, pinagbabawalan akong maki sama sa mga babae. Hindi man lang niya maisip na mas komportable ako sa kanila. :(
Mas nagiging totoo ako sa kanila eh.

I really had a bad day!


Thursday, May 27, 2010

I MISS HAVING MY BEST FRIEND

Yung mataba dun bestfriend ko nung elementary :)
The one in red shirt was my bestfriend since high school and until now. Until now? Hmmm i don't know. Kung bakit hindi ko alam?malalaman natin yan kase that's our topic. hehe

This photo was capture nung 1st birthday ng inaanak namin.
Anak ng isa naming barkada.

Sa pagkahaba haba ng hindi namin pagkikita ngayon lang kami nagkasama uli. Nakikita ko siya sa work niya, and there's no time na hindi ko yan papansinin. Kahit nagpupunas yan, iistorbohin ko. (sa RRJ JEANS siya nagttrabaho). Pero i know he's in work at baka mapasama pa siya.
Nung nakita ko siya that day gusto ko talaga siyang i-hug at sabihing namiss ko siya. Pero nakiramdam ako, kase before na nanjan yan, He text me and I was waiting for him na tawagin uli ako sa tawagan namin na"bespren". Tinatanong niya kung nasan ako nagpapasama kasi na samahan yung friend namin na sasali sa bikini open. Umoo ako pero daan ka muna dito kako.

Sweet kasi yang taong yan! Nuon, ayaw ko yung pagiging sweet niya.
Nag aaylabyuhan p kami niyan date. HAHAHA. Weird pero totoo. Siguro its a way para sabihin namin nun na wer just here para magdamayan.This time nanibago talaga ako ng sobra :(



before, we will find time to bond w each other, talk about movies, friends, experiences, lovelife, sex, our jobs and so on... first time kung makarinig ng ganong sagot niya.
WALA LANG YUN.


That night kase he was sitting beside me.And he got a call.They were arguing, this are the things I heard:
"ah, selos mo lang yan, wala na nga ako jan sa greenwich,sinasali niyo pa ako"
"kabording ko lang siya, and close kami nun"
"siguro ikaw nag lagay ng kissmark nuh?"

I dunno but the things going to my mind this time was, he was having an affair with his boss.
Nakita ko na yung boss niya, dumaan sila noon sa shop. And I ask him kung sino yun nun, boss daw niya." Tumitira kaya yun sa bahay, siya kasi yung nagbabayad nun sa bording noon, pero 100 per day niyan sa bahay."

Andami niyang sinabi, I was asking lang kung sino yun.
Katext ko siya kanina, nasa tarlac daw siya, tinatanong ko kung sino taga tarlac. Kung friend niya or relatives pero wala eh. hindi niya sinagot. At ang tipid niya magtext ha. Ang pumapasok sa isip ko, sa boss niya dun.Tinanong ko din kung sino yung tumawag sakanya that night sabe niya WALA YUN. sheeet, pinaglilihiman na ako ng bestfriend ko. Hindi ko na siya kilala talaga. Na sad talaga ako. I was not expecting him to say it.

I dont know kung nahihiya yun kase lalake yung boss niya.Kung nahihiya lang umamin. We never say kase na wer gay.
And siguro ayaw lang niya na maki alam ako sa buhay niya :(
Kasi before,katext ko yung lover niya nun.Until nagbreak sila. Ayaw niya talaga dun, eh ako naman? parang pinipilit ko siya before. :(
I know i was wrong.Eto kaya yung reason ??


Wednesday, May 26, 2010

THE RETURN ~

Marami nang nangyari until i left my blog. Naging busy masyado, naging mabilis ang mga pangyayari and now im here and trying to make this blog of mine ALIVE.
Lalo na this time im not with my friends/classmate any more.Wala akong mapag sheyran ng mga bagay-bagay. hehe So, i will continue blogging.
I know wala pa akong followers pero someday, I'll invite my friends to check it out.
Hindi kasi ako ganon ka-open sa buhay. Mangilan ilan lang talaga yung mga nakaka alam ng buhay ko, kung may alam ka man alam ko hindi lahat.
Sana someday I will have the courage to show all of this.