Friday, May 28, 2010

I HATE BEING COMPARED



Umagang umaga when I confronted ni mama.
Galing sa palengke. At may nachismis nanaman siya, hmmmm. Yung ka-batch ko kase daw my trabaho na. At ano na daw ginagawa ko? Na para daw ayaw kong magtrabaho. Na kesyo buti pa siya, (and bla bla blah.)Kung alam lang kasi niya kung gaano ko kagusto, alam ng mga kapatid ko yan. Sa kanila mas nagiging ako, nasasabi ko yung gusto kong sabihin. Natural, natameme nanaman ako. Hindi ako makapag salita. Siguro kung nasa korte ako, talo na ako.

Eto yung mga naiisip ko ng mga sandaling iyon,
"Ano ngayon gusto niyong gawin ko? Mag-apply din dun? Sundan ang taong kinokompera niyo sa akin?, Gusto ko ng mag mura.(Pero wala eh, walang lumalabas sa bunganga ko) Pakshit! ang sakit ikompera tapos susundan mo yung taong kinokompera sayo? Tang ina!"
Gusto ko ng lumayas nun.Pinagdadasal ko talaga na makawala na dito sa bahay nato.

Gusto ko ding magtrabaho pero malayo dito. Gusto kong mabuhay in my own. Gusto ko talagang mag-explore.Gusto ko talagang may mapatunayan sa sarili ko. (Paano ko ba yan sasabihin sa mama ko?) All these years, siya nagluluto at naglalaba para samin. Gusto kong mag-mature,really!
Walang mangyayari sa akin kung aasa at aasa sa lang kanila. Ayaw ko din na hanggang dito nalang ako, aasa sa papa ko. Aasa sa trabaho na binibigay niya. (Nagiging photographer at taga edit ako ng kasal, patay, debut, binyag at kung ano ano pa. )

Isa pa palang bagay kung bakit sumama loob ko. Sinabi ko kase na pupunta ako ng baguio,at maghahanap dun. "At sinong mga kasama mo? Puro babae nanaman ha?"
Shit ! Hindi nalang niya inisip na nagiging masaya ako dahil sa kanila. Kasama ko yung mga yun buong college years ko, sila bumuo ng pagkatao ko.Hindi sila masamang tao mama! Hindi sila pumapatay! putang ina! ~Yan yung mga gustong ilabas ng bunganga ko pero hindi ko magawa.

Ever since, ganyan na ang mama ko. Even in my elementary years, pinagbabawalan akong maki sama sa mga babae. Hindi man lang niya maisip na mas komportable ako sa kanila. :(
Mas nagiging totoo ako sa kanila eh.

I really had a bad day!


No comments:

Post a Comment