Paguwi ko galing sa pinuntahan ko, gusto ko ng magsabi sakanya.Nanjan na siya, pero wala.Hindi ako makapagsalita hanggang sa erpats ako nagsabi. Sinabi niya kay mama, at pinagtawanan ako ni papa. Badtrip!
Kung ano yung sinabi ko at gusto kong sabihin sa mama ko? We did try to apply to a Lending Company ni Shali,and I just want to know yung reaction nila kasi we may have to assign somewhere far. Si papa ang iniisip niya, yung mawawalan na siya ng alalay, yung kasama sa studio and all that. Si mama naman nagulat siya, kasi hindi naman ako nagsasabi sa kanya. Hanggang sa it turn out na, bahala siya kung gusto niya kesa naman sa magiging tambay siya.
Umaga na.Gulong gulo parin ako kung pupunta ako o hindi sa interview ko. Gusto kong kausapin si mama kasi alam kong siya lang yung makaka intindi sa akin. Pero hindi ko kaya. Ewan ko ba. Nagpaiwan ako para makapag isip, pero hindi na emo ako.
Gusto kong kausapin ang mama ko. Pero hindi.Ang hirap ng gawin. I took some piece of paper for me to write on, yung mga gusto kong sabihin sa mama ko.
And here it goes.
Nahihiya na ako sayo ma.Gustong gusto kitang kausapin, magshare pero hindi kona kaya ma. Every time na sinasabi mo sa mga tao na nakapagtapos na ako at may mga parinig ka na "kung gusto nilang tumulong ah, pero hindi. hindi naman ata sila marunong tumulong ". Sana kahit sa pag tulong ko sa studio makita mo mama. Kahit yun lang kasi wala pa akong trabaho. Magigigng happy ako pag narecognize mo yun kahit walang sweldo, babangon ako at babangon ako ng maaga para tumulong. Kaya nahihirapan akong bumangon kasi wala kang nakikita ma. I can't help it pero tears keep rushing down while writing this.I'm sorry is not enough I think. Pero sorry, sorry talaga sa lahat ng disappointments and sorry kasi I can't make you proud. :(
Hanggang sa iyak na ako ng iyak at ang tanging saksi sa kalungkutan ko ay ang aking unan.
No comments:
Post a Comment