Recently, I enjoyed reading blogs.Especially yung mga true to life stories nila. Yung mga tipong
diary na nila ang kanilang blogsite.Nakakatawa lang.Para na rin kasing kaibigan muna sila.
Pinagkakatiwalaan kana sa mga kwento nila.Minsan relating
ang kanilang drama lalo na kapag mga PLU.
PLU-People like Us.Sila daw yung mga taong abnormal. Lalake nga, pero lalake din ang hanap.
Yung tipong lalakeng lalake pero deep inside, serena pala. HAHAHA Sila or kami (oo idamay ko na sarili ko)
yung mag taong inside the closet palang.
Nakakaaliw lang kasi ang saya ng blog nila.Hindi gaya tong akin. Ang emo, ang sad, boredom.
Gumagamit siya ng mga salitang hindi boring. Yung talagang matatawa ka. Syet!,fucking shit!,
betlog, ampota! at iba pang pang green minded na salita.May mga times din na nakakalibog na yung blog nila. HAHA
Talagang liberated kumbaga. Ang angas lang!Gusto ko tuloy mag iba ng image. HAHA!
OO ganyan ako minsan, gaya gaya. Hindi lang pala minsan, sorry naman! Madalas na.
Lalo na kung tipong iidulohin mo talaga.Marami na akong ginaya, sulat-kamay, pagdadamit,
pagtetext, pananalita, pag-gaya ng mga designs sa picture (sa pag eedit) at marami pa.
Gusto ko na ding gayahin minsan ang identity ng isang tao. Kasi idol ko na talaga siya e.
Yung tipong palaban sa mga batong pinapatama sakanya.Gusto kong maging ganon.
Nahihiya na ako minsan pag nababasa ko na sa isip nila na gaya gaya ako, pero hindi.
gusto kong sabihin na idol ko lang talaga sila. Out of topic na ako. haha
Parang somewhere in the middle of darkness, nakahanap ako ng kagaya ko.Na hindi pala ako
nag iisa sa mundo.:)
No comments:
Post a Comment